Thursday, February 21, 2008

Koreksyon plis

Ayan, masyado kasing nagmamadali, di pa na check, pumindot agad. sori po.
and grand opening pala ng Manila Ocean Park ay sa Feb 24, 2008. admission fee for adult P400, kids 2-12 yo P350. for more info just visit their site or contact them at 5677777. Wish ko lang makapunta kaming family sa opening.

ManilaOceanPark

Yipee, coming soon na sya. Grand Opening will be on Feb 28, 2008. It's just behind the Quirino Grand Stand Luneta, Manila

Thursday, January 24, 2008

childhood mem'ries

masarap isipin or balikan ang ating kabataan. lots of fun memries during elementary days. kasama na run syempre yung mga kasalananang nagawa mo sa magulang sa kaklase at ibapa.
naalala ko nga noon nautusan akong magbigay ng ulam sa kapitbahay (bicol express yata yun kc bicolano yung umupa dati sa amin dati). nasalubong ko ang isang kalaro, i dipped my finger at dahil me pagkamaldita ako pinatikman ko sa kanya (ung finger ko ipinunas ko sa salsa at sabay subo sa bibig nya). ayun nag-iiyak , namula halos ung bibig nya. ang resulta pumunta nanay nya sa amin at ayun nga napagalitan ako ng todo.

miss ko na rin yung mga naging classmates ko nung elementary . karamihan sa kanila ay di ko na nakikita. walang mag initiate na mag reunion dun sa batch namin kasi balita ko karamihan sa class officers namin noon ay nasa ibang bansa na. maski ng high school ganun din . di pa rin kami nagre reunion. inggit nga ko ke tatay kasi every year me reunion sila ng highschool batch nila. very active pa rin kahit senior citizen na.

marami rin mga prutas na na nami miss ko na at halos di ko na nakikita ngayon sa palengke tulad ng apulid, bignay (ung maasim-asim), mabolo, at yung parang maliit na buko (halos kasing laki lang ng beinte singko), matamis na kundol, rimas etc ..lahat ng mga ito dun lang sa maliit na tindahan sa tabi-tabi namin nabibili.

haaayyy.... sarap balikan ng nakaraan.

Monday, July 02, 2007

Trinoma-Ayala Malls in Kyusi

just yesterday , i treated my husband to watch Transformers at Trinoma. it was our first time to enter that Ayala Mall and wow so nice. it was like "raw" Glorietta (although di pa ko nakapunta ron). eh MOA nga di ko pa rin narating. pero mararating ko rin un (pag sinipag).

about Transformers, sobrang ganda. sayang nga lang di namin nakasama 3kids namin kc after office hours kami nanood. sayang nga rin at din namin dala digicam at sana na post ko dito pix.
next week we'll bring our kids there to enjoy the place.

Sunday, October 29, 2006

my special day

hapihapibertday...hapihapibertday......hapihapibertday-2-meee!

Nadadagdagan na naman ang edad ko. thank you Lord! sabi ni Kris 30-something na sya, pero ako 40-something na. hanggang dyan na lang yan. hwag na kayo magtanong, plssss. sabi nga eh "Life begins at 40" . believe ako dyan kasi napi feel ko sya. yun lang.

Tomorrow's a special day too kasi birthday ng aking panganay who's turning 14.

Thursday, August 10, 2006

amazing!


siguro sa iba me pagkaluma na ito, pero sakin bago toh.
wanna share it with you. forwarded email lang ito pero nakakatuwang basahin. really amazing!


Someone out there either has too muchspare time or is deadly at Scrabble:

DORMITORY:
When you rearrange the letters: DIRTY ROOM

PRESBYTERIAN:
When you rearrange the letters: BEST IN PRAYER

ASTRONOMER:
When you rearrange the letters: MOON STARER

DESPERATION:
When you rearrange the letters: A ROPE ENDS IT

THE EYES:
When you rearrange the letters: THEY SEE

GEORGE BUSH:
When you rearrange the letters: HE BUGS GORE

THE MORSE CODE :
When you rearrange the letters: HERE COME DOTS

SLOT MACHINES:
When you rearrange the letters: CASH LOST IN ME

ANIMOSITY:
When you rearrange the letters: IS NO AMITY

ELECTION RESULTS:
When you rearrange the letters: LIES - LET'S RECOUNT

SNOOZE ALARMS:
When you rearrange the letters: ALAS! NO MORE Z 'S

A DECIMAL POINT:
When you rearrange the letters: IM A DOT IN PLACE

THE EARTHQUAKES:
When you rearrange the letters: THAT QUEER SHAKE

ELEVEN PLUS TWO:
When you rearrange the letters: TWELVE PLUS ONE

AND FOR THE GRAND FINALE:

MOTHER-IN-LAW:
When you rearrange the letters: WOMAN HITLER (dito d ako believe kc super bait inlaws ko)

Thursday, July 20, 2006

here i go again ( opera na naman!)

ang aking nakaraan...............

Couple of years back (mga 14yrs na rin) newly wed pa lang ako nun.But by thyroid sickness (goiter) was discovered nung single pa ako. Although nasa lahi naming, di ko pansin na meron na ko nito. Ung friend ko lang ang nakahalata bat raw medyo malaki ang leeg ko. Syempre curious, ask ko si madir then …Nagpa check-up na ko . dun nalaman na hyper thyroid ako.
Syempre takot sa opera at gastos (walang budget parents ko para dun). Siguro 6mos lang akong naggamot then ini stop ko na. Until I got married and gave birth. Di ko sya pinansin.

Year 1992, I gave birth to my eldest. Di ko pa rin pinansin ung goiter ko. 2nd pregnancy ko was 1996, during this times , payat na payat nako at sobrang laki na ng leeg ko. Although malakas akong kumain di naman ako tumataba (effect of hyper thyroidism). Nag-alala ko sa baby ko since sabi ng doctor ko me effect raw sa bata kung nagmedication ako sa thyroid. Either my defect raw paglabas nya. I prayed a lot na sana wala naman maging defect ang baby ko. Although di ako palasimba , kahit papano lahat ng prayers ko dinidinig nya. Subok na subok ko na ito. Special case ang delivery ko kc nga nag high blood ako at kelangan bago ako operahin meron gamut na iinject sa akin. Since sa govt hospital ako manganganak, as usual walang stock nung gagamiting medicine so ginalugad na buong Manila ng husband ko mahanap lang ung gamut. Inabot ng madaling araw bago sila nakakuha ng gamut then sched na ko for cs the ff morning.

Ok naman baby ko (awa ng diyos). Maliit nga lang sya compare sa eldest ko. Ngaun 10yrs old na sya pero may kaliitan (skinny) pero di naman sya sakitin. Mabagal lang talaga growth nya. Pero ung frame nya mana sa side ng husband ko (patpatin ba) pero matatangkad naman ang lahi (6footer husband ko).

Yr 1997, I decided to get rid of my thyroid. Covered naman ng insurance eh. So wala akong worry sa gastusin. Sa Chinese Gen ako nagpa opera.

Then 2 yrs ago, I gave birth to my youngest. Would u believe it, I gave birth at 40.
Ayun , girl na naman (tatlo na sila). Pang third cs ko na. Sabi nga ng officemate ko
Naka quota na ko kc 4times na kong naopera (3-cs then 1-thyroidoctomy-tama kya spelling ko).

Pero again, just last yr (Dec) na opera na naman ako. This time sa gallbladder naman.
Bigla na lang sumumpong ang pagsakit sakit ng stomach ko hanggang malaman sa ultrasound na merong multiple stones ang gallbladder ko. Di ko na talaga kayang tiisin ang mga attacks (grabe…di ko madescribe and sakiiit!) kaya ayun, hiniwa na naman ako.
Pangit na pangi na tyan ko, kung pwede lang tapalan ang mga bruises nya). Dine dedman ko na lang. At least naka survive ako.

This time sabi ko sana last na tong operation na to. Sobra na tama na. Quota na ako.

Thursday, July 06, 2006

anak ko yata yan!

Now ko na-realize na maganda rin pala sa ating kids na ma train maging independent habang maliliit pa sila. Hindi natin dapat silang bine-beybi. Kahapon lang nagulat ako
Sa aking 10yr old daughter kc nagsabi syang magpri prito sya ng ham. Sabi ko naman
Eh marunong k b. usually kc pansit canton ang kayang-kaya nya lutuin , first time nyang mag prito. Tinawagan ko sya sa bahay , ok naman raw naprito nya although durog-durog
Raw ung ham kc nga galling freezer , nahirapang syang paghiwalayin.

Naalala ko tuloy ung kwento ng biyenan ko tungkol sa pamangkin nya. Nagprisinta magsaing minsan , tinuruan naman sya ng technique na hanggang sa guhit ng middle finger nya ung tubig. Lam nyo nangyari, nasunog ang sinaing kc b naman inilubog nya sa bigas ung daliri nya sa pagsukat ng dami ng 2big. eh di halos wala syang tubig. Asus!

ulit na naman!

at last naka create nako ng blog. ayaw ko ng isipin kung ilang beses nakong nag try and ilang beses ko na delete ung pinaghirapan ko (eh! kasimple naman pala, pero sakin mahirap un ah!) my daily routine lang naman ay to blog-hop around from marhgil, ka uro, kiwipinay, jinkee, sazzy at kung saan-saan pa. type kong maki basa pero tamad akong magsulat. kelan kaya masusundan ito?