Thursday, January 24, 2008

childhood mem'ries

masarap isipin or balikan ang ating kabataan. lots of fun memries during elementary days. kasama na run syempre yung mga kasalananang nagawa mo sa magulang sa kaklase at ibapa.
naalala ko nga noon nautusan akong magbigay ng ulam sa kapitbahay (bicol express yata yun kc bicolano yung umupa dati sa amin dati). nasalubong ko ang isang kalaro, i dipped my finger at dahil me pagkamaldita ako pinatikman ko sa kanya (ung finger ko ipinunas ko sa salsa at sabay subo sa bibig nya). ayun nag-iiyak , namula halos ung bibig nya. ang resulta pumunta nanay nya sa amin at ayun nga napagalitan ako ng todo.

miss ko na rin yung mga naging classmates ko nung elementary . karamihan sa kanila ay di ko na nakikita. walang mag initiate na mag reunion dun sa batch namin kasi balita ko karamihan sa class officers namin noon ay nasa ibang bansa na. maski ng high school ganun din . di pa rin kami nagre reunion. inggit nga ko ke tatay kasi every year me reunion sila ng highschool batch nila. very active pa rin kahit senior citizen na.

marami rin mga prutas na na nami miss ko na at halos di ko na nakikita ngayon sa palengke tulad ng apulid, bignay (ung maasim-asim), mabolo, at yung parang maliit na buko (halos kasing laki lang ng beinte singko), matamis na kundol, rimas etc ..lahat ng mga ito dun lang sa maliit na tindahan sa tabi-tabi namin nabibili.

haaayyy.... sarap balikan ng nakaraan.