Thursday, July 20, 2006

here i go again ( opera na naman!)

ang aking nakaraan...............

Couple of years back (mga 14yrs na rin) newly wed pa lang ako nun.But by thyroid sickness (goiter) was discovered nung single pa ako. Although nasa lahi naming, di ko pansin na meron na ko nito. Ung friend ko lang ang nakahalata bat raw medyo malaki ang leeg ko. Syempre curious, ask ko si madir then …Nagpa check-up na ko . dun nalaman na hyper thyroid ako.
Syempre takot sa opera at gastos (walang budget parents ko para dun). Siguro 6mos lang akong naggamot then ini stop ko na. Until I got married and gave birth. Di ko sya pinansin.

Year 1992, I gave birth to my eldest. Di ko pa rin pinansin ung goiter ko. 2nd pregnancy ko was 1996, during this times , payat na payat nako at sobrang laki na ng leeg ko. Although malakas akong kumain di naman ako tumataba (effect of hyper thyroidism). Nag-alala ko sa baby ko since sabi ng doctor ko me effect raw sa bata kung nagmedication ako sa thyroid. Either my defect raw paglabas nya. I prayed a lot na sana wala naman maging defect ang baby ko. Although di ako palasimba , kahit papano lahat ng prayers ko dinidinig nya. Subok na subok ko na ito. Special case ang delivery ko kc nga nag high blood ako at kelangan bago ako operahin meron gamut na iinject sa akin. Since sa govt hospital ako manganganak, as usual walang stock nung gagamiting medicine so ginalugad na buong Manila ng husband ko mahanap lang ung gamut. Inabot ng madaling araw bago sila nakakuha ng gamut then sched na ko for cs the ff morning.

Ok naman baby ko (awa ng diyos). Maliit nga lang sya compare sa eldest ko. Ngaun 10yrs old na sya pero may kaliitan (skinny) pero di naman sya sakitin. Mabagal lang talaga growth nya. Pero ung frame nya mana sa side ng husband ko (patpatin ba) pero matatangkad naman ang lahi (6footer husband ko).

Yr 1997, I decided to get rid of my thyroid. Covered naman ng insurance eh. So wala akong worry sa gastusin. Sa Chinese Gen ako nagpa opera.

Then 2 yrs ago, I gave birth to my youngest. Would u believe it, I gave birth at 40.
Ayun , girl na naman (tatlo na sila). Pang third cs ko na. Sabi nga ng officemate ko
Naka quota na ko kc 4times na kong naopera (3-cs then 1-thyroidoctomy-tama kya spelling ko).

Pero again, just last yr (Dec) na opera na naman ako. This time sa gallbladder naman.
Bigla na lang sumumpong ang pagsakit sakit ng stomach ko hanggang malaman sa ultrasound na merong multiple stones ang gallbladder ko. Di ko na talaga kayang tiisin ang mga attacks (grabe…di ko madescribe and sakiiit!) kaya ayun, hiniwa na naman ako.
Pangit na pangi na tyan ko, kung pwede lang tapalan ang mga bruises nya). Dine dedman ko na lang. At least naka survive ako.

This time sabi ko sana last na tong operation na to. Sobra na tama na. Quota na ako.

Thursday, July 06, 2006

anak ko yata yan!

Now ko na-realize na maganda rin pala sa ating kids na ma train maging independent habang maliliit pa sila. Hindi natin dapat silang bine-beybi. Kahapon lang nagulat ako
Sa aking 10yr old daughter kc nagsabi syang magpri prito sya ng ham. Sabi ko naman
Eh marunong k b. usually kc pansit canton ang kayang-kaya nya lutuin , first time nyang mag prito. Tinawagan ko sya sa bahay , ok naman raw naprito nya although durog-durog
Raw ung ham kc nga galling freezer , nahirapang syang paghiwalayin.

Naalala ko tuloy ung kwento ng biyenan ko tungkol sa pamangkin nya. Nagprisinta magsaing minsan , tinuruan naman sya ng technique na hanggang sa guhit ng middle finger nya ung tubig. Lam nyo nangyari, nasunog ang sinaing kc b naman inilubog nya sa bigas ung daliri nya sa pagsukat ng dami ng 2big. eh di halos wala syang tubig. Asus!

ulit na naman!

at last naka create nako ng blog. ayaw ko ng isipin kung ilang beses nakong nag try and ilang beses ko na delete ung pinaghirapan ko (eh! kasimple naman pala, pero sakin mahirap un ah!) my daily routine lang naman ay to blog-hop around from marhgil, ka uro, kiwipinay, jinkee, sazzy at kung saan-saan pa. type kong maki basa pero tamad akong magsulat. kelan kaya masusundan ito?

Wednesday, July 05, 2006

....again

try ko ulit. always error naman kasi eh.